Tuesday, 13 December 2016

Sino nga si Manuel Bernabe?

Manuel Bernabe

Si Manuel Bernabe ay isinilang sa Parañaque, Rizal noong ika-17 ng Pebrero, 1890. Siya ay mamamahayag, pulitiko, makata at mambibigkas sa Kastila at Latin. Nagsimulang siyang mag-aral sa Ateneo de Manila at nagtapos sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa gulang na siyam na taon nagsusulat na siya ng berso sa Kastila at sa gulang na labin-apat ay bumeberso na sa Latin. Si Bernabe ay isang makatang liriko at ang karaniwang paksa niya’y mga pista at pagdiriwang, maging pambayan o pangkaibigan. Ang totoo ay kahi’t anong paksa ay ginagawan niya ng tula. Ganyan siya kahilig sa pagtula.

            Sa labanan nina Balmori at Bernabe sa isang Balagtasan noong 1920 sa paksang “ El Recuerdo y el Olvido” walang nahayag na nanalo sapagkat kapwa sila magaling pero ayon sa ugong ng palakpakan pagkatapos ng balagtasan lumabas na si Bernabe ang mas maraming tagahanga. Ang panig ng “ Gunita” ay ipinagtanggol ni  Balmori at “Limot” naman kay Bernabe.
          Noong 1928, nahirang siyang kinatawan ng unang purok ng Rizal sa Kapulungang Pambansa. Naging propesor siya sa Kastila sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kasama-sama ni Balmori sa pagsusulat sa “ La Vanguardia.”

       Ang kanyang mga tula ay tinipon at ipinaaklat  at pinamagatang  “Castos del Tropico” (mga awit ng tropic).Ito ay may 350 pahina at naglalaman ng iba’t-ibang paksa tulad ng handog sa Espanya, mga panrelihiyo, pampilosopiya, pambayan at pag-ibig. Isa pang aklat na may pamagat na “Perfil de la Cresta” ay naglalaman ng salin niya sa “Rubaiyat ni Omar Khayyam at prologo ng yumaong Claro M. Recto.

            Ito ang mga mahuhusay at kilalang mga tula niya ay ang mga sumusunod: “El Imposible”, !Canta Poeta!, “Soldado-Poeta”, “Blason”, Mi Adios a Iloilo”, “Cantidad”, “España en Filipinas”, “Escelsitudes”, “No Mas Armor Que El Tuyo” at sa kanya natagpuan ni de la Camara ang isang karangalan ng pinakamagaling na makata sa Kastila. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kanyang tula sa Kastila na may salin sa Tagalog:


“No Mas Amor Que El Tuyo”
No mas amor que el tuyo
O Corazon Divino
El pueblo Filipino
Te da su Corazon
En templos y en hogares
Te invoque nuestra lengua:
Tu reinaras sin mengua
De Aparri hasta Jolo.


“Walang Pag-ibig na Tulad ng sa Iyo”
Walang pag-ibig na tulad ng sa iyo
O pusong Bathala
Ang baying Pilipino’y
Puso sa iyo inihandog
Sa mga templo at tahanan
Sa iyo’y humihibik:
Maghahari kang walang-maliw
Mula sa Aparri hanggang Jolo.

No comments:

Post a Comment