Wednesday, 14 December 2016

Leron Sinta Make Up Song

“Huwag kanang Humanap pa sa iba”

Leron-leron sinta, buko ng papaya dala-dalay buslo sisidlan ng bunga, pagdating sa dulo nabali ang sanga, kapus kapalaran humanap ng iba.
Para sa inyo saan ba ang mas masakit?
Nabali ang sanga o humanap ng iba
Marahil tayo ay nakaranas na na tayoy pina-asa.
Nang tao na akala natin ay binigay ng tadhana.

Masarap pag-usapan ang pag-ibig dibah?
Itoy nagbibigay ligaya at kulay sa ating buhay
Ginagawa nating inspirasyun sa mga pagkakataong tayoy humahanap ng solusyon.
Ika nga nila “kung gusto ,mong  lumigaya ang iyong buhay, humanap ka ng panget at
Ibigin mong tunay”.

Bat ang masaklap ng katotohanan, ay kakaunti na lamanag ang nakaka-alam ng tunay na  Pag-ibig.
Yung pag-ibig na ibibigay ang lahat kahit walang kapalit.
Sakripisyo ditto, sakripisyo doon, handing ibigay pati sariling buhay.

Yung iba’y nagtataka, kung saan-saan hinanap
Para lamang matagpuan ang tunay na pag-ibig
Payo ko lang kaibigan, Makinig!
Dahil ilalahad ko ang tunay na pag-ibig
Na kapag nalaman moy, di kana hahanap pa ng iba.

Simulang iniluwal ka dugo’t pawis ang pinuhunan niya
Hanggang ikay lumaki at tumontong ng elementarya.
Sakripisyo’y di basta-basta, yan an gating ina.

At para matugunan ang pagkain mo’t magarang damit na gusting-gusto mo
AY halos patyin ang katawan para lang may ma-egastos sa iyong kaarawan
At hindi ka mapahiya sa iyong mga kaibigan.
SI itay ang panlaban dyan.

Yan ang pag-ibig ng ating mga magulang puro labis  walang kulang,
Naniniwala ba kayo dyan? Dapat lang..
Huwag nating hayaang nakawin ang pag-ibig na yan
Sa mga taong nakilala sa tabi-tabi lang
At kung isa ka sa mga ninakawan dyan, sabay tayong bumangon
At ipag-laban ang pag-ibig n gating mga magulang.
Hanggang  isuot natin ang tuga at i-abot ang ating diploma

Kaya huwag kanang humanap pa ng iba at baka mabalian kappa ng sanga

Sila’y hindi paasa tulad ng leron-leron sinta at tunay lang na pag-ibig ang kanilang dala.

Reflection in Multigrade Teaching


Theme: “Enhancing Competence in Multigrade Teaching to address the Demands of the 21ST Century Education”

Ø  To be successful multigrade teacher, I must balance my time effectively and prepare variety of activities to keep all groups of students engaged in the multigrade environment which is an opportunity to develop new and more effective teaching processes.
Ø Multigrade teaching is an important and appropriate way to provide good quality education to children who are often neglected by their education system because of the area of living they have, poor and remote communities.
Ø Learning environment should also be considered to create a classroom conducive to learning.
Ø Multigrade classroom provide the opportunity to break down the hindrance between grades and look at the students as group of learners.

Ø As a multi grade teacher, I am the key to plan, design, and manage the range of both grade - appropriate and mixed - grade activities for children to keep the interest for the learners to learn.


Ø And as a Mulltigrade, you have to be flexible and use various teaching methods, according to their specific teaching need at the time. This not only supports the educational worth of the teacher and serves the national curriculum goals, but also represent flexible methods that encourage children to be independent and develop their personalities.

Sample Authorization Letter in TOR, Diploma and CAV

December 15, 2016

Office of the University Registrar
Mindanao State University
General Santos City

Dear Sir / Madam,
I, Kayce Mae E. Pineda, hereby authorize Miss Mariz T. Ombajin to apply for and pick my Transcript of Records, Diploma and Certificate of Validation from Mindanao State University.
Thank you very much and Godbless.


Very truly yours,

KAYCE MAE E. PINEDA

Tuesday, 13 December 2016

Reflection in Special Education and Alternative Learning System

Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION


Name: Mariz T. Ombajin                                          Sched: 10:30-11:30
Subject: Cite 3                                                          Prof.: Diane Mae P. Ulanday
REFLECTION
Special Education is not just a simple education where pupils and teachers can easily understand and communicate each other base in normal classroom set-up. Special Education is really something special where the pupils in this curriculum must take more attention compare to normal set up, where they should have enough special needs for their special capabilities and special provisions for their different conditions.
 I learned from our seminar that children with special needs have many types and these are the children with gifted knowledge, skills or talents, where from the very young age they easily understand the lessons or can even advance their lessons and compete to higher year level; children with autism, I learned that these kind of children are mostly boys and good looking and have repetitive works; cerebral palsy, these children have no muscular coordination ;children with down syndrome, these children are young at mind but matured based on their body they have similar with children with autism; mental retardation are the most severe case, where they could not recognize their parents or  family; children with ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder), these children are very energetic and productive where they always want to catch the attention of everybody; learning disabilities, children with difficult to comprehend; children with different impairments in visual, hearing and physical and also the children with behavioral problems, where mostly they are so violent.
Children with special needs or even the adult one should be understand and accept in society as part of it because they still human after all even though they think and act as young they still have feelings and can feel indifference. Love and care are still the best remedy for these special people.



REFLECTION
 Alternative Learning System is a ladderized, modular non-formal education program in the Philippines for dropouts in elementary and secondary schools, out-of-school youths, non-readers, working Filipinos and even senior citizens. It is part of the educational system of the Philippines but an alternative to the regular classroom studies where Filipino students are required to attend daily. The alternative system only requires students to choose schedules according to their choice and availability where they could still work at weekdays and study in weekend.
ALS help the people to become more educated and accessible to knowledge through this program many dropouts and out of school youth continue to follow their dreams and hoping for a better future where mostly they continue their education and trying to get a degree in college in order to have a good and decent job.
Moreover, it may be true that the ALS of the Philippines have been a great help to anybody, but for my insights the education that they offer to the learners cannot suffice the educational needs for them to qualify for higher education and even to land in good and decent jobs. The students may have acquired the basic literacy but that is not enough for them to qualify for pursuing higher education especially if they go back to formal schools. The quality education is at risk. They may have learned the basics of education but then again, in our current society wherein it is very competitive, the need for higher education is still the demand to qualify for jobs. But then again ALS is still a great help for only getting the basic knowledge and it’s up to the learners on how to cope up the lessons and compete in college to have a more good and decent jobs in the future.





Sino nga si Manuel Bernabe?

Manuel Bernabe

Si Manuel Bernabe ay isinilang sa Parañaque, Rizal noong ika-17 ng Pebrero, 1890. Siya ay mamamahayag, pulitiko, makata at mambibigkas sa Kastila at Latin. Nagsimulang siyang mag-aral sa Ateneo de Manila at nagtapos sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa gulang na siyam na taon nagsusulat na siya ng berso sa Kastila at sa gulang na labin-apat ay bumeberso na sa Latin. Si Bernabe ay isang makatang liriko at ang karaniwang paksa niya’y mga pista at pagdiriwang, maging pambayan o pangkaibigan. Ang totoo ay kahi’t anong paksa ay ginagawan niya ng tula. Ganyan siya kahilig sa pagtula.

            Sa labanan nina Balmori at Bernabe sa isang Balagtasan noong 1920 sa paksang “ El Recuerdo y el Olvido” walang nahayag na nanalo sapagkat kapwa sila magaling pero ayon sa ugong ng palakpakan pagkatapos ng balagtasan lumabas na si Bernabe ang mas maraming tagahanga. Ang panig ng “ Gunita” ay ipinagtanggol ni  Balmori at “Limot” naman kay Bernabe.
          Noong 1928, nahirang siyang kinatawan ng unang purok ng Rizal sa Kapulungang Pambansa. Naging propesor siya sa Kastila sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kasama-sama ni Balmori sa pagsusulat sa “ La Vanguardia.”

       Ang kanyang mga tula ay tinipon at ipinaaklat  at pinamagatang  “Castos del Tropico” (mga awit ng tropic).Ito ay may 350 pahina at naglalaman ng iba’t-ibang paksa tulad ng handog sa Espanya, mga panrelihiyo, pampilosopiya, pambayan at pag-ibig. Isa pang aklat na may pamagat na “Perfil de la Cresta” ay naglalaman ng salin niya sa “Rubaiyat ni Omar Khayyam at prologo ng yumaong Claro M. Recto.

            Ito ang mga mahuhusay at kilalang mga tula niya ay ang mga sumusunod: “El Imposible”, !Canta Poeta!, “Soldado-Poeta”, “Blason”, Mi Adios a Iloilo”, “Cantidad”, “España en Filipinas”, “Escelsitudes”, “No Mas Armor Que El Tuyo” at sa kanya natagpuan ni de la Camara ang isang karangalan ng pinakamagaling na makata sa Kastila. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kanyang tula sa Kastila na may salin sa Tagalog:


“No Mas Amor Que El Tuyo”
No mas amor que el tuyo
O Corazon Divino
El pueblo Filipino
Te da su Corazon
En templos y en hogares
Te invoque nuestra lengua:
Tu reinaras sin mengua
De Aparri hasta Jolo.


“Walang Pag-ibig na Tulad ng sa Iyo”
Walang pag-ibig na tulad ng sa iyo
O pusong Bathala
Ang baying Pilipino’y
Puso sa iyo inihandog
Sa mga templo at tahanan
Sa iyo’y humihibik:
Maghahari kang walang-maliw
Mula sa Aparri hanggang Jolo.

Math Word Problems with Answers

MATH WORD PROBLEMS

1. The sum of three numbers is 80.The second number is twice the first number. The third number is 5 more than the second number. What are the three numbers?

2.Jean is playing with building blocks. She decided to stack the blocks so that each row has one less than the row below. There are a total of 55 blocks and just one block on top. How many blocks did she put on the bottom row?

3.You are working in a dairy and have two pots to hold the milk. One holds 5 gallons and one holds 3 gallons. Two customers have ordered 4 gallons. Can you measure out 4 gallons using your 5 and 3 gallons pots?

4.You are in the woods with owls and wolves. There are 22 eyes and 32 legs. How many owls and wolves are there?

5.Two fathers and two sons go fishing together in the same boat. They all catch a fish but the total catch for the day is 3 fish. How is this possible?

ANSWER KEYS
1. Let x = 1st number
     2x = 2nd number
 2x+5 = 3rd number

x+2x+2x+5 = 80
      5x         = 80-5
      5x         =   75
      5                 5
      x           = 15 is the 1st number

2x=2(15)
    = 30 is the 2nd number
2x+5= 2(15)+5
        = 30+5
        =35 is the 3rd number

2. She put 10 blocks on the bottom row

3. Fill the 5 gallon jug with the milk. Fill the 3 gallon jug from the 5 gallon jug. You are now left with 2 gallons of milk in the in the 5 gallon jug. Empty the 3 gallons jug. Now pour the 2 gallons you have in the 5 gallon jug into the 3 gallon jug. Now refill the 5 gallons jug Pour the 5 gallon jug until the 3 gallon jug is now topped off (will take 1 gallon). You now have 4 gallons of milk left in the 5 gallon jug for your customer.

4. There are 5 owls and 5 wolves (not 6 owls because 2 of the eyes and legs are yours).

5. There are three men: a grandfather, a father (the grandfather’s son and the father’s son).

Monday, 12 December 2016

Sanaysay tungkol Wikang Filipino

Pagsakay sa Tatag ng Filipino Bilang Wika ng mga Pilipino

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang wika ng lipunang Pilipino. Kaugnay ito sa sinabi ni Pamela Constantino na, “Ang anumang kapangyarihan o puwersa ng wika ay itinalaga ng institusying sosyal.” Hindi maitatangging malakas sana ang puwersa at kapangyarihan ng wikang Filipino sa maraming larangan tulad ng edukasyon, batas, agham, teknolohiya at iba pa, ang kaso pinahihina at binabansot ng paniniwala ng nagkukunwang edukado at maraming politiko sa ating bansa.

Isang simpleng sitwasyon ang maaaring maging halimbawa na maraming nagkukunwang edukado ang salat pa rin ang kaalaman pagdating sa usapin hinggil sa ating sariling wika. Sa panahon na nililitis si dating Presidente Joseph Estrada sa kasong pangungurakot. May isang sitwasyon na nagpapakita ng maling pagtanaw sa wika ng mga mambabatas sa Pilipinas kaya hindi ito maisulong nang husto bilang wika sa larangan ng batas. Noong tinanong ni Hilario Davide (isang Cebuano), ang saksing si Emma Lim kung anong wika ang nais niyang gamitin sa pagtestimonya, sumagot si Lim na sariling wika ang gagamitin niya—ang Tagalog. Nakapagtataka ang sinabi ni Davide na wala silang interpreter mula Tagalog tungong Ingles, sa Filipino tungong Ingles ay mayroon. Tila hindi batid ni Davide ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang Filipino. Dahilan kaya ang pagiging Cebuano niya? Ngunit nang magsalita si Senador Franklin Drilon na isang Ilonggo, sabi niya, hindi na kailangan ng interpreter sapagkat lahat naman sila ay mauunawaan ang testimonya kahit sa Tagalog.

Nabanggit din ni Constantino na taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa pakikipag-ugnayan gamit ang wika, maraming bagay ang maaaring magbago. Kunsabagay, marami nang pangyayari sa Pilipinas na kinakitaan ng malaking pagbabago tungo sa pagsusulong ng wikang Filipino.

Ang matibay na halimbawa ay noong Agosto 20, 2007, tatlong korte sa Lungsod ng Malolos ang nagdesisyong gumamit ng Filipino sa paglilitis upang maisulong ang pambansang wika. Labindalawang istenograpo mula sa hukuman 6, 80 at 81 bilang modelong korte gamit ang wikang pambansa ang sumailalim sa pagsasanay  sa Marcelo H. del Pilar College of Law ng Bulacan State University bilang pagsunod sa direktiba ng Korte Suprema ng Pilipinas hinggil sa paggamit ng Wikang Filipino sa istenograpiya. Pangarap noon ng dating Punong Mahistrado na si Reynato Puno na pati sa Laguna, Cavite, Quezon, Nueva Ecija, Batangas, Rizal at Metro Manila ay maipatupad ang paggamit ng sariling wika sa paglilitis.

Dati pa man, sa sanaysay ni Virgilio Almario na may pamagat na “Filipino ang Filipino” nabanggit na niya ang maraming pagsisikap at eksperimento sa paggamit ng Filipino sa gawaing akademiko. Aniya, maraming gurong pasimuno sa mga unibersidad, lalo na sa UP, Ateneo de Manila, at De La Salle. Nangunguna raw si Dr. Virgilio Enriquez sa mga orihinal na saliksik sa sikolohiya sa wikang Filipino. Itinuro ni Fr. Roque Ferriols ang pilosopiya sa Filipino. Isinalin ni Judge Cesar Peralejo ang kodigo sibill at kodigo penal. Lumikha ng diksyonaryo sa kemika si Dr. Bienvenido Miranda at sa Medisina si Dr. Jose Reyes Sytangco. May libro sa ekonomiks si Dr. Tereso Tullao, Jr. sa wikang Filipino. May mga nagtuturo ng matematika sa Filipino. At marami nang jornal at monograp sa iba’t ibang disiplina na nakalathala sa Filipino. Kaya hindi totoo na kulang na kulang sa sanggunian at kakaunti ang naisasaling karunungan mula sa banyagang wika tungo sa wikang Filipino. Katunayan, patuloy ang Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas sa paglalathala at pagpondo sa mga aklat na nasa Filipino. Nasabi na rin dati pa ni Almario, “Kung ang usapin ay ang paglilimbag ng mga materyales sa pag-aaral na nakasulat sa sariling wika, walang demand kaya hanggang ngayo’y walang pabliser na nagpapasimuno sa paglalathala ng aklat sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan.”

Ang lahat ng nabanggit na halimbawa ng pagsisikap tungo sa ikauunlad ng pagkatuto sa iba’t ibang larangan ay dahil sa puwersa at kapangyarihan ng wikang umiiral at nandyan lang. Hindi na dapat nating ipagtaka kung paano nagawa ang pagsasalin at pagpapabukal ng karunungan sa ibat’ ibang larangan gamit ang wikang Filipino. Angkop na angkop ito sa pananaw ni Umberto Eco sa kanyang sanaysay na “Language, Power, Force” binanggit niya, “We must not be amazed then to hear people say that the given language is power... because outside the given language there is nothing.”