Saturday, 5 March 2016

A Semi-Detailed Lesson Plan in FILIPINO V

I. Layunin
            Nagagamit sa pangungusap ang pang angkop na na, ng at g.

II. Paksa
            Paggamit ng mga Pang-angkop

Sanggunian
            Pagdiriwang ng Wikang Filipino pp.197-202
            Hiyas sa Wika, pp.164-168
Kagamitan
            Mga larawan ng Heneral Santos
           
III. Pamamaraan
            1. Balik- Aral
Noong Miyerkules, napag-usapan natin ang tungkol sa iba’t-ibang klase ng grap.
            2. Pagganyak
Ipakita ang mga larawan, Ano ang napapansin ninyo sa larawan? Saan niyo ito sila nakikita?
            3. Paglalahad
                        Basahin ang talambuhay ng pambansang kamao.

Tatak Pinoy
Sino ba namang hindi makakakilala sa pambansang kamao ng Pilipinas na si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala sa tawag na Manny Pacquiao. Siya ay pinanganak sa Kimbawe, Bukidnon. Mahirap ang buhay niya noong siya ay bata pa. Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya’y nasa ika-anim na baitang. Natapos niya ang kanyang elementarya, ngunit nahinto naman sa hayskul dahil sa kahirapan. Iniwan niya ang kanyang buhay sa lungsod ng Heneral Santos upang makahanap ng trabaho sa Maynila sa edad ng labing-apat.
Sinimulan niya ang kanyang karera sa boksing bilang isang miyembro ng Philippine National Amateur Boxing Team. Hanggang sa napanalunan niya ang pinakaunang World Title niya sa larangan ng boksing. Kinuha niya itong oportunidad na maging kilala sa buong mundo at labanan pa ang ibang mga boksingero sa tulong ng kanyang trainor na si Freddie Roach. Natalo niya sina Shane Mosley, Antonio Margarito, Erik Morales, Joshua Clottey, at si Juan Manuel Marquez at ngayon taon inaabangan ang laban nila ni Mayweather.
Maliban sa kanyang pagboboksing ay coach na din siya ngayon sa basketball, umaawit at naging kongresista na sa lugar ng Saranggani. Talagang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng dating mahirap na taga Heneral Santos. Isa siya tunay na halimbawa na matapang, masipag at may takot sa Panginoon na pinoy. Tunay na dapat hangaan ngayon ng mga batang Pilipino.
Pangkatang Gawain
                        Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may                                                  nakalaang gagawin.
                                    Gawain 1:
Gumawa ng dula na nagpapakita ng pagboboksing ni Manny Pacquiao at kong sinu-sino ang natalo niya.
                                    Gawain 2:                       
                                    Pumili ng kanta  ni Manny Pacquiao at kantahin ito sa klase.
                                    Gawain 3:
                                    Iguhit ang mga nagawa ni Manny Pacquiao sa bansa.
3. Pagtatalakay
            A. Pagsagot sa mga tanong at paggawa ng mga nakalaang gawain.
1. Sino ang tinutukoy sa sanaysay?
2. Sa anong larangan sikat si Manny Pacquiao? At sinu-sino ang mga nakaaway siya sa larangan ito? Pangkat 1 ipakita ang inyong pagsasadula.
3. Maliban sa pagboboksing ano pa ang ginagawa ni Manny Pacquiao? Pangkat 2 at 3 ipakita ang nagawa ni Manny Pacquiao.
4. Sino ang tumulong kay Manny Pacquaio sa larangan ng pagboboksing?
5. Bakit karapat dapat na hangaan ng mga batang Pilipino si Manny Pacquiao?
B. Paglinang sa Kasanayan
            Basahin at suriing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang.
            1. Mahirap ang buhay niya noong siya ay bata pa.
2 Kinuha niya itong oportunidad na maging kilala sa buong mundo at labanan pa ang ibang mga boksingero
3. Talagang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng dating mahirap na taga Heneral Santos.
            Sa unang bilang sa anong letra nagtatapos ang salitang noon?
            Sa pangalawang bilang naman anong dalawang salita ang pinag-uugnay ng kataga o pantig na na?
            Sa anong titik nagtatapos ang oportunidad?
            Sa pangatlong bilang naman sa anong letra nagtatapos ang talaga at dati?
            Ano kaya sa tingin ninyo ang natutulong ng g, ng at na sa pangungusap? Anong tawag sa kanila? kalian kaya ginagamit ang g, ng at na?

4. Paglalahat
·         Pang-angkop ang tawag sa mga kataga, pantig o titik na g, ng at na na ginagamit upang pag ugnayin ang isang salita sa iba pang salita sa pangungusap nang maging tuluy-tuloy at madulas ang pagbigkas sa mga ito.
·         Ang pang-angkop na na ay ginagamit sa pag ugnay ng mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa titik n.
Halimbawa: oportunidad na maging kampeon
                     mataas na pangarap
·         Ang pang-angkop na ng ay ginagamit sa pag-uugnay ng mga salitang nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u).
Halimbawa: Talagang matapang
                     muling sumibol
·         Ang pang-angkop na g ay ginagamit sa pag uugnay ng mga salitang nagtatapos sa titik n.
Halimbawa: noong siya ay bata pa
                      kaugaliang Pilipino
5. Pagsasanay
            Pag-ugnayin ang dalawang salita gamit ang tamang pang-angkop.
            1. inakay___sisiw
            2. marahas___hakbang
            3. mapula____mata
            4. ibon___maliit
            5. maganda___pangarap
C. Pangwakas na Gawain
Basahin ang sumusunod na pangungusap at bilogan ang mga pang-angkop na ginamit.
            1. Sa ulang tikatik, daa’y nagpuputik.     
2. Ang tubig na maingay ay mababaw.
            3. Ang malinis na puso ay pinagpapala.
            4. Pagkalipas ng dilim, laging may umaga
5. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.

IV. Pagtataya
Salungguhitan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.Bilogan naman ang mga pang-angkop na ginamit.
1. Marunong sumayaw ang bata.
2. Mabuting anak ang mga iyon.
3. Masayang-masaya ang mag-anak.
4. May dalawang anak si Aling Ester.
5. Laging nangunguna sa klase si Dinah.
6. Nakatapos ng pag-aaral ang mga anak nila.
7. Gayundin ang nadaramang ligaya ng mag-anak.
8. Umuwing masayang-masaya ang mga panauhin.
9. Naghahanda ng munting salu-salo ang mag-anak.
10. Sinasabitan ng medalyang ginto ang matatalinong mag-aaral.
V. Takdang Aralin
            Gawin ang “Isulat” Pangkat B na nasa p. 169.

Prepared by:

Ms. Mariz T. Ombajin